Patuloy na galaw ng China sa West Philippine Sea, dapat tapatan ng diplomatic protest ng pamahalaan

Buo ang suporta ni Senator Risa Hontiveros sa paghahain ng gobyerno ng diplomatic protest laban sa China.

Kaugnay ito sa presensya ng mahigit 220 Chinese Maritime Militia Vessels sa West Philippine Sea na para kay Hontiveros ay nakakagalit at nagpapakita ng kawalan ng respeto.

Punto ni Hontiveros, habang nagkakandarapa pa tayo sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay wala namang pakundangan ang Tsina sa pagsulong sa ating karagatan.


Para kay Hontiveros, ang hakbang ng China ay nakakapagpalala sa tensyon sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea kung saan tayo ang may eksklusibong karapatan sa lahat ng isda, langis at natural gas.

Kaugnay nito ay muling umapela si Hontiveros sa gobyerno na puspusang pag-aralan kung paano totoong masisingil ang Tsina sa patuloy na panggagahasa sa ating likas-yaman.

Facebook Comments