PATULOY NA MAGDASAL | Vice President Robredo, may mensahe sa mga Pinoy sa pagdiriwang ng Bagong Taon

Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na patuloy na magdasal para sa liwanag ng pag-ibig at pag-asa sa buong Pilipinas ngayong 2018.

Sa kanyang new year message, naniniwala si Robredo na nananatili pa rin ang kabutihan sa bawat puso ng mga Pilipino sa kabila ng paglaganap ng galit at kultura ng takot maging ng karahasan sa bansa.

Aniya, marami pang kakaharaping pagsubok ang bansa.


Pero tiniyak ng Bise Presidente na patuloy na gumagawa ng hakbang ang kanyang opisina para makamit ang layunin nitong mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino.

Facebook Comments