PATULOY NA NANGYAYARI? | Insidente ng ‘bukas bagahe’ sa mga paliparan sa bansa, balak paimbestigahan sa Senado

Manila, Philippines – Balak nang imbestigahan ni Senadora Grace Poe ang mga insidente ng ‘bukas-bagahe’ sa mga paliparan sa bansa.

Ayon kay Poe, patuloy pa ring nangyayari ito kahit nagkaroon na ng sibakan at balasahan sa mga tauhan ng paliparan.

Ani Poe, kailangang protektahan ng gobyerno ang kanyang mamamayan lalo na ang mga OFW.


Matatandaang kinansela ang kontrata ng MIASCOR sa Clark International Airport sa Pampanga dahil sa nakawan sa bagahe, at anim na empleyado ng kumpanya ang sinibak at kinasuhan.

Facebook Comments