PATULOY NA NEGOSASYON | Pilipinas – Magpapadala ng matataas na delegasyon sa Kuwait

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañan na patuloy ang negosasyon at pag-uusap ng Pilipinas at Kuwait sa kabila ng pagkakaroon ng awang sa relasyon kasunod ng kontrobersyal na pagsagip sa mga distressed OFW.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – mayroong private ongoing talks ang dalawang bansa kung saan tinatalakay ang security concerns ng Filipino workers sa Kuwait.

Sinabi naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III – isinapinal na ang Memorandum Of Understanding na magbibigay proteksyon sa mga OFW sa Kuwait at hinihintay na lamang na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Dutete.


Target na mapirmahan ang kasunduan bago ang banal na buwan ng mga Muslim na ramadan na magsisimula sa May 15.

Facebook Comments