Patuloy na pagbaba ng kabataang hindi nababakunahan ng DTP vaccines, ikinabahala ng UN; Pilipinas, kabilang sa mga bansang may pinakamataas ng zero-dose children

Ikinabahala ng United Nations ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kabataang hindi mababakunahan kontra diphtheria, tetanus at pertussis (DTP).

Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) at United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), nasa 25 milyong kabataan sa mundo ang hindi nabakunahan ng isa o higit pang doses ng DTP vaccine noong 2021.

Lumalabas din na sa naturang bilang, 18 milyon dito ang hindi talaga nakakuha ng kahit isang dose ng naturang bakuna.


Ayon sa WHO at UNICEF, kabilang ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng zero-dose children kung saan kabilang din dito ang Ethiopia, India, Indonesia at Nigeria.

Itinuturong dahilan dito ang patuloy na paglaganap ng maling impormasyon sa mga bakuna at ang pagka-antala ng pandaigdigang suplay dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakaapekto rin ang patuloy na pagdami ng mga kabataang nakatira sa conflict zones at ang prayoridad ng mga magulang na unahing tugunan ang kanilang kakainin kaysa mapabakunahan ang kanilang mga anak.

Dahil dito, nanawagan na ang mga organisasyon sa mga nabanggit na bansa upang paigtingin ang vaccination efforts sa kanilang lugar.

Facebook Comments