PATULOY NA PAGBABA NG PRESYO NG SIBUYAS SA DAGUPAN CITY, NARARANASAN NA NG MGA DAGUPEÑO

Dahil sa patuloy na pag-harvest ng mga onion farmers sa ilang bayan sa Central Pangasinan, ramdam na ng ilang residente ang pagbaba ng presyo ng sibuyas sa pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Kung dati ay nasa P600 ang kada kilo ng pulang sibuyas, ngayon ay nasa P200 hanggang P300 na. Ang puting sibuyas naman ay nasa P200 hanggang P240 ang kada kilo nito. Ang lasona na bumaba na rin ay nasa P80 kada kilo na.

Ayon sa Department of Agriculture, itong buwan ng Enero ay mayroon nang harvest na nasa 1,204 na metrikong tonelada ng pulang sibuyas na galing sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa munisipyo ng Bayambang, Malasiqui, Bautista at San Manuel na mga major producer ng sibuyas sa lalawigan.

Karamihan din sa mga ibinebentang sibuyas partikular sa Malimgas Public Market sa lungsod ay galing na mismo sa sakahan ng mga onion growers mula sa mga farms ng Central Pangasinan.

Samantala, asahan pa ng mga residente ang patuloy na pagbaba ng presyo ng sibuyas at pagbalik nito sa normal dahil nagpapatuloy din ang suplay nito. |ifmnews

Facebook Comments