Dahil sa layunin ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan na makapagbakuna ng mas maraming indibidwal at Dagupenyo ay patuloy ang pagbabakuna sa mga ito kontra sa sakit na COVID-19.
Sa datos ng City Health Office ng Dagupan, kabuuang 159 na indibidwal ang muling nabigyan ng proteksyon o ang booster shots.
Ang naturang inoculation activity ay kasabay na pagseselebra ng Agew na Dagupan kahapon kung saan ito na ang ika-76 na taong anibersaryo ng lungsod bilang isang City Charter.
Ang isinagawang pagbabakuna ay pinangunahan ng CHO katuwang ang ang mga Barangay Nurses at Health Workers mula sa mga barangay sa lungsod.
Dahil dito, muling nagpaalala ang CHO na sa mga hindi pa nakapag-pabakuna o natanggap ng proteksyon para sa COVID-19 ay magtungo na sa mga pinakamalapit na health centers upang makakuha ng bakuna. |ifmnews
Facebook Comments