PATULOY NA PAGBIBIGAY AYUDA SA MGA PILIPINO, SINANG-AYUNAN NG ILANG DAGUPENO

Sang ayon ang ilang Dagupeno na kinakailangang ipagpatuloy ng gobyerno ang pagbibigay ng ayuda para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong pinansyal.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang mga Dagupeño, dapat lang umanong ituloy at mas palawigin ang pag-aabot ng ayuda, lalo’t patuloy na nararanasan sa bansa ang kaliwa’t kanang pagtaas ng mga bilihin na lalong nagpapahirap sa mga Pilipino.

Saad naman ng isang tindera, kulang na umano ang kinikita ng mga trabahador na nasa minimum wage lang ang sahod, kaya’t mas makatutulong umano ang tulong pinansyal para pandagdag at pang-tustos ng bawat Pilipino sa pang araw-araw na pamumuhay.

Patuloy naman ang panawagan ng ilang Dagupeno na sana’y mas mapalawak pa ng gobyerno ang pagbibigay ayuda upang mas marami pa ang makinabang at makatanggap na mga mamamayang nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments