Upang magkaroon ng kaalaman at makagawa ng isang mahusay na pagresponde ang mga Local Government Units (LGU) sa panahon ng kalamidad ay patuloy pa rin sa pagsasagawa ng pagsasanay ang mga kawani ng Civil Defense Regional Office 1.
Pinangunahan ang mga pagsasanay na ito ng mga kawani ng Office Civil Defense Regional Office 1 kasama ang BFP Lingayen at LGU Bautista, Pangasinan kung saan nagbigay ang mga ito ng teknikal na tulong sa usaping Emergency Operations Center Training sa lokal na pamahalaan ng Pozorrubio.
Bukod sa pagbibigay ng kaalaman ukol sa pagresponde ay isa pang layunin ng pagsasanay na ito ay upang magkaroon ang mga kalahok sa aktibidad ng harmonized disaster management operations.
Ang aktibidad na ito ay ginanap nito lamang Marso 29-31 sa Municipal Executive Building ng Pozorrubio.
Ang mga kalahok sa nasabing pagsasanay ay ang Local DRRM Council member-agencies/stakeholders ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments