Patuloy na hinihikayat ng isang security analyst ang pamahalaan na huwag tumigil sa pagpapadala ng diplomatic protest laban sa China.
Kasunod na rin ito ng mga nangyayaring pangha-harass ng China sa mga Pilipinong mangingisda at nagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS).
Sa interview ng RMN Manila kay security analyst at Professor Rommel Banlaoi, binigyan-diin nito na ang patuloy na paghahain ng diplomatic protest ay simbolo ng paggiit ng bansa sa karapatan sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Aniya, magsisilbi rin itong documentary evidence sakaling muling gumawa ng international legal measure ang bansa.
Sa ngayon ay umaabot na sa 231 diplomatic protest ang inihain ng Department of Foreign Fffairs (DFA) laban sa China mula noong 2016.
Facebook Comments