Patuloy na paghahanap ng paraan ng gobyerno para maibsan ang kahirapan sa bansa, tiniyak ng liderato ng Kamara

Sinigurado ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang patuloy na paghahanap ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ng paraan para matugunan ang kahirapan sa bansa.

Pangunahing binanggit ni Romualdez ang halos linggo-linggong pagkakaloob ng pamahalaan ng bigas at ayuda sa mga probinsya gayundin ang pagkakaloob ng scholarship sa ilalim ng TESDA.

Tinukoy rin ni Romualdez ang paglalaan ng gobyerno ng livelihood at business opportunity sa mga gustong magkaroon ng munting negosyo, at ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Tinukoy rin ni Romualdez na ang pagsasabatas ng Extended Centenarian Act o pagbibigay ng cash grant ng ₱10,000 mga aabot sa edad 80 at kada limang taon ay bahagi ng Marcos administration aid sa mga lolo at lola.

Ibinida rin ni Romualdez ang pagpayag ng Department of Trade and Industry na taasan, simula ngayong Marso sa ₱500 ang diskwento sa grocery ng mga senior citizen at PWDs.

Ayon kay Romualdez, may isinaagawa ring dayalogo ang Kamara sa PhilHealth para sagutin na nito ang kalahati ng hospital bills ng mga miyembro at i-libre na ang mga x-ray, ultra sound, ECG, mammography at iba pang diagnostic exams.

Facebook Comments