Pinatitiyak ni Senator Alan Peter Cayetano na patuloy ang paglalaan ng pondo ng gobyerno para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon kay Cayetano, ayaw niyang magpapasa lang ng limang taong plano para sa modernisasyon pero hindi naman mapaglalaanan ng sapat na pondo.
Sinabi ni Cayetano na Chairman ng Senate Science and Technology Committee na makakatulong sa programang pangimprastraktura ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang benepisyo ng pagmodernisa partikular ang hazard mapping para malaman kung saan o hindi dapat magtayo.
Sa ilalim ng modernisasyon ay maglalagay ng 300 earthquake monitoring stations, 82 sea level monitoring stations, monitoring systems, geologic hazard maps, mga pasilidad para pananaliksik, at Information and Communications Technology server room.
Naniniwala si Cayetano na kailangang buhusan ng atensyon ang modernization bill ng PHIVOLCS dahil makatutulong ito ng pangmatagalan.