Sinimulan na ngayon ng House Committee on Ethics and Privileges ang imbestigasyon ukol sa usapin ng “Absence Without Official Leave” o pag-AWOL ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves.
Si Teves ay nanatili sa labas ng bansa kahit na-expire na ang travel authority na ibinigay ng Kamara mula February 28 hanggang March 9 lamang.
Ayon sa Chairman ng komite na si COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, layunin ng imbestigasyon na matukoy kung may paglabag na ginawa si Teves sa patuloy nitong pagliban sa trabaho.
Paliwanag ni Espares, sakaling makita na may ginawang paglabag si Teves, ay maaaring irekomenda ng komite ang “disciplinary actions” gaya ng suspensyon o kaya’y expulsion o pag-alis kay Teves sa hanay ng mga kongresista.
Si Teves ay nasasangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pa.