Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na patuloy na magpakita ng pagmamahal at sakripisyo sa kapwa Pilipino.
Sa kaniyang mensahe, pinaalalahanan ng obispo ang mga Pilipino na ang pagpaparamdam ng pagmamahal at sakripisyo ang magbibigay ng bagong buhay kagaya ng ipinagdiriwang ngayon na Pasko ng Pagkabuhay.
Ayon pa sa obispo, ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ang patunay na pinagpapala ng Diyos ang sinumang nagmamahal at nagsasakripisyo para sa kapwa.
Sa huli, sinabi ni Bishop Pabillo na hindi dapat mawalan ng pag-asa at patuloy lamang na magsikap dahil magtatagumpay din tayo laban sa kadiliman kagaya ng kinahaharap nating COVID-19 pandemic.
Facebook Comments