Kasama palagi sa agenda ng mga pulong ng Association of Southeast Asian Nations o (ASEAN) ang North Korea.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu na consistent ang posisyon ng Pilipinas sa usapin ng North Korea.
Ayon kay Espiritu, malinaw ang posisyon ng Pilipinas, ito ay ang pagkabahala sa pagpapakawala ng North Korea ng ballistic missile.
Palagi aniya silang nananawagan sa North Korea na sumunod ito sa UN Security Council Resolutions kaugnay sa usapin ng nuclear warfare at palaging umaapela sa lahat ng partido sa Korean Peninsula na bumalik sa negotiating table para makahanap ng mapayapang resolusyon sa usaping ito.
Kaugnay nito, sinabi ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial na nagpalabas muli ang pilipinas ng pahayag ng pagkondena sa inilunsad na panibagong ballistic missile ng North Korea nito lamang Nobyembre 2.
Ito na aniya ang ikaapat na pahayag na inilabas ng Pilipinas sa taong ito laban sa mga pagpapakawala ng missile ng North Korea.