Utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Justice (DOJ) na patuloy na palayain ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na kwalipikado para sa parole.
Ang direktiba ay ginawa ng pangulo sa Cabinet meeting kaninang umaga sa Malacañang para mabawasan ang pagsisikip sa loob ng mga correctional facility.
Sinabi ng pangulo na batay sa kanyang karanasan bilang gobernador ng Ilocos Norte, karamihan sa mga PDL ay nagtatagal sa bilangguan dahil walang kakayahang kumuha ng abogado para sa kanilang mga kaso.
Samantala, suportado naman ng pangulo ang plano ng DOJ na ilipat sa Alcatraz-type prison ang mga criminal para tuluyang mahinto ang mga criminal activities sa loob ng bilangguan.
Ito ay dahil na rin sa nagaganap na korapsyon sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor).
Batay sa 2022 accomplishment report ng DOJ, mayroong halos 3,000 PDLs mula July hanggang December 2022 ang nabawas na sa mga correctional facility.