
Iginiit ni dating Senador at incoming Mamamayang Liberal o ML Party-list Representative Leila de Lima na labag sa 1987 Constitution ang desisyon ni Senate President Francis Escudero na i-urong sa June 11 ang pagtalakay ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Diin ni De Lima, ilang beses ng ipinagpaliban ng Senado ang paggulong ng proseso para sa kinakaharap na impeachment case ni VP Sara.
Ayon kay De Lima, taliwas ito sa malinaw na inakasaad sa konstitusyon na dapat ay forthwith o agad simulan ang pagsasagawa ng impeachment trial.
Ayon kay De Lima, ang paglilitis sa ikalawalang pangulo ay hindi opsyonal dahil base sa Saligang batas ay obligado ang Senado na kumilos bilang impeachment court.
Facebook Comments









