Patuloy na pagpapatupad ng alternative workplace schemes tulad ng work-from-home, iginiit ni Representative Fidel Nograles

Iginiit ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles sa mga employers ang lubos na suporta sa Republic Act No. 11165 o Telecommuting Act of 2018.

Nakapaloob sa batas ang pagpapapatupad ng work-from-home at iba pang flexible working arrangements kung saan mas mahaba ang oras na maigugugol ng mga empleyado sa kanilang pamilya at makakaiwas din sila sa problema sa trapiko ng hindi naaapektuhan ang kanilang trabaho.

Mensahe ito ni Nograles makaraang ilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Department Order No. 237 na naglalaman ng revised implementing rules and regulations ng telecommuting law na akma sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.


Para kay Nograles, napapanahon ang pagrelease ng IRR para sa Telecommuniting law kung saan parehong mababawasan ang gastos ng employers at mga manggagawa sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo at problema din sa pampublikong transportasyon.

Diin ni Nograles, malinaw sa batas, na ang oras ng trabaho ng empleyado na sasailalim sa flexible working arrangements ay hindi dapat maapektuhan gayundin ang sweldo nito at lahat ng benepisyo.

Facebook Comments