Patuloy na pagprotekta sa national interest ng bansa, tiniyak ni National Security Adviser Eduardo Año

Gagawin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng paraan at kapasidad na maprotektahan ang national interest ng Pilipinas.

Sinabi ito ni National Security Adviser Eduaro Año matapos ang inilabas na 10-dash line standard map ng China sa South China Sea.

Ayon kay Año, hindi kinikilala ng Pilipinas ang 10-dash line ng China.


Aniya pa, final at binding na ang 2016 Arbitral Award.

Maraming bansa na aniya ang pumalag sa pahayag ng China ilan dito ang India at Malaysia.

At tiyak aniyang marami pang bansa ang papalag sa China.

Kaya muling giit ni Año, hindi kinikilala ng Pilipinas ang 10-dash line na inisyu ng Chinese government.

Facebook Comments