Mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Military Academy (PMA) ‘MADASIGON’ Class of 2023 na ituloy ang suporta sa demokrasya at pagsunod sa rule of law.
Ginawa nang pangulo ang bilin sa kanyang talumpati sa commencement exercises ng PMA MADASIGON Class of 2023 sa Fort Del Pilar sa Baguio City kahapon.
Ayon sa pangulo, ngayong magiging bahagi na nang military ranks ang MADASIGON class hangad niya ay mas maging mapagmahal sa bayan at isaisip ang commitment para magserbisyo publiko.
Dapat rin daw pairalin ng mga PMA graduates na sa lahat nang kanilang magiging trabaho palaging paiiralin ang pagkakaisa at respeto.
Hinikayat din ng pangulo ang mga bagong nagsitapos sa PMA na palaging isapuso ang mga natutunan sa akademya.
Ngayong taon, 311 ang nagtapos sa PMA, 158 ay magiging miyembro ng Philippine Army, 76 ay magiging bahagi ng Philippine Air Force, at 77 ay mapapasama sa Philippine Navy.