Patuloy na PagSupply ng Magat Dam sa mga Isabelino, Ikinatuwa ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos!

Cauayan City, Isabela- Natutuwa si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na patuloy na napapakinabangan ang isa sa napakalaking proyekto ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos na Magat Dam.

Isa ito sa kanyang nasabi sa harap ng mga magsasaka at local na media na dumalo sa Provincial Farmers Congress sa Aurora, Isabela kaninang umaga.

Aniya, mainam ito at napapakinabangan pa ng mga Isabelino sa larangan ng kuryente at Irigasyon.


Subalit Aniya, Nakakahiya umano sa pilipinas na kung saan nasa atin ang malaking irigasyon subalit mas lalo namang lumiliit ang mga irrigated area sa bansa dahil sa mga ipinapatayong gusali o industriyalisasyon.

Kaugnay nito, kagaya ng pagpaplano ng kanyang ama at dating gobernador Faustino Dy Sr. na siyang ama ng kasalukuyang Gobernador ay dapat planuhin ang pangmahabaang pangangailangan ng mga mamamayan at magsasaka lalo pa at ang Isabela ay siyang sumusupply ng bigas sa maynila.

Nagpapasalamat naman si Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III sa malalim na pagmamahal at ginhawang ibinigay ng pamilyang Marcos lalo na sa mga magsasaka dahil sa napakalawak na irigasyon.

Facebook Comments