Patuloy na serbisyo ngayong holiday, tiniyak ng isang mambabatas

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng patuloy na serbisyo ng pamahalaan ngayong Kapaskuhan at kahit sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa gitna ng okasyon sa bansa ay nagsagawa ng inspeskyon ang senador sa isang Super Health Center sa Barangay Malandag sa Malungon, Sarangani.

Muling nagpasalamat si Go sa Department of Health (DOH) partikular kay Sec. Ted Herbosa at sa pagtutulungan na rin ng lokal na pamahalaan para matiyak ang pagpopondo sa pagtatayo ng higit sa 700 Super Health Centers sa buong bansa.


Dahil sa pagsisikap na rin na makapagpatayo ng mga health facility sa mga lalawigan, nanawagan din si Go sa publiko na alagaan ang kalusugan at samantalahin ang mga medical assistance program ng pamahalaan.

Bilang pakikiisa sa masayang okasyon ngayong holiday season ay namahagi rin ng tulong sa mga taga-barangay sa lugar ang mambabatas.

Facebook Comments