Siniguro ng gobyerno ng Switzerland na patuloy nilang susuportahan ang mga inisyatibong pangkapayapaan sa Mindanao.
Ito ay matapos lagdaan ang kasunduan ng Pilipinas sa Moro Islamic Liberation Front na nagresulta sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang pangako ay ginawa ni Swiss Ambassador to the Philippines Alain Gaschen nang magpaalam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malakanyang.
Alam daw ni Gaschen na kumplikado ang mga hamong kinakaharap ng rehiyon kaya dapat seryosong tutukan ng pamahalaan ng Pilipinas.
Nagpasalamat naman ang pangulo sa mahalagang papel na ginampanan ng Swiss government para maging matagumpay ang peace process sa BARMM.
Ang Switzerland ang tumayong chairman ng Bangsamoro Transitional Council.