Siniguro ni US Defense Secretary Lloyd Austin III ang patuloy na suporta ng Estados Unidos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kampanya kontra terrorismo.
Ito’y sa pakikipagpulong ni Sec. Austin sa mga matataas na opisyal ng Sandatahang Lakas sa pangunguna ni AFP Chief of Staff General Andres Centino sa Western Mindanao Command headquarters sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City kahapon.
Tinalakay sa pulong ang pagpapahusay ng kooperasyon at pagtatatag ng magandang relasyon sa pagitan ng AFP at ng bagong-deploy na US Special Operations Task Force 511.2 sa Mindanao na nagsisilbing adviser ng AFP laban sa mga local terrorist group.
Binisita rin ni Sec. Austin, kasama ang mga opisyal ng AFP ang headquarters ng SOTF 511.2 sa loob ng Camp Navarro bago bumalik sa Maynila para naman sa kanyang courtesy call kanina kay Pangulong Bongbong Marcos at pulong kay Defense Sec. Carlito Galvez Jr.