Hinikayat ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang Malacañang na atasan ang mga ahensya ng gobyerno na patuloy na paswelduhin ang kanilang mga kontrakwal na manggagawa.
Ito ay kahit suspendido ang kanilang pasok sa trabaho dahil sa COVID-19.
Giit ni Villanueva, nasa emergency situation ngayon ang bansa at kailangan ng bawat manggagawa ng pangtustos sa kanilang pamilya.
Tinukoy ni Villanueva na base sa datos ng Civil Service Commission ay nasa 660-thousand ang job order o kontraktwal sa gobyerno na no-work-no-pay.
Facebook Comments