PATULOY NA TUMATAAS | Pilipinas, kabilang sa Southeast Asian Countries na may highest adolescent birth rate

Manila, Philippines – Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa timog-silangang Asya na may pinakamataas na adolescent birth rate o mga menor-de-edad na maagang nanganganak.

Ayon sa mga eksperto ng United Nations Agencies International Planned Parenthood Federation, kahit bumababa ang adolescent birth rates sa buong mundo, patuloy itong tumataas sa Southeast Asia.

Sa datos, ang average adolescent birth rate sa rehiyon ay 47 bata ang ipinanganganak sa kada 1,000 babae na may edad 15 hanggang 19.


Naitala ang pinakamataas na nasabing birth rate sa Lao PDR (94), Cambodia (57), Thailand (50), Indonesia (48) at Pilipinas (47).

Ayon kay UN Population Fund Regional Director For Asian and the Pacific Björn Andersson – resulta ito ng maagang pagsasama o pagpapakasal ng mga adolescent sa rehiyon dahil sa mga malawak na kadahilanan.

Facebook Comments