PATULOY PA RIN? │Kongresista, hindi naniniwalang itinigil na ng Pangulo ang usapin sa NPA

Manila, Philippines – Duda ang Kongresista na tuluyan na talagang tinapos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng rebeldeng grupong CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Magdalo PL Rep. Gary Alejano, nakatanggap siya ng impormasyon na sa kabila ng pagpapatigil ng Pangulo sa usaping pangkapayapaan at pagdedeklarang terorista ang NPA, nagpapatuloy pa rin ang back door negotiations.

Sa katunayan pa aniya, resulta ng backdoor negotiation ang nakatakdang pagpirma sa ilang mga kasunduan sa pagitan ng NPP-NPA-NDF at ng pamahalaan kabilang dito ang Comprehensive Agreement On Social And Economic Reforms (CASER), General Amnesty of the Political Prisoners, at Agreement on Coordinated Unilateral Ceasefire.


Naniniwala pa si Alejano na ginagamit lamang ni pangulong Duterte ang NPA para sa pagdedeklara nito ng Revolutionary Government.

Aniya, ang deklarasyon ng Presidente na terorista ang NPA ay maaaring mauwi sa marami pang pag-atake ng grupo at gagamitin itong dahilan ni Pangulong Duterte para sa kanyang pagnanais na maipatupad ang Revolutionary Government.

Mahirap din aniyang paniwalaan na talagang sinsero ang pagtigil sa peace talks sa NPA dahil nakaupo pa rin ang ilang mga Komunista sa gobyerno.

Hinamon ni Alejano si Pangulong Duterte na kung talagang seryoso ito sa paglaban sa NPA ay alisin na rin ang mga natitirang militante at komunistang sa pamahalaan.

Facebook Comments