PATUNAY | Pagkakaconvict sa mga pumatay kay Kian delos Santos, patunay sa ICC na umaandar ang judicial process sa bansa

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na ang desisyon ng Caloocan Regional Trial Court branch 125 na naghahatol ng reclusion perpetua sa mga pumatay kay Kian delos Santos ay isang matibay na patunay sa International Criminal Court na hindi sila maaaring manghimasok sa Bansa dahil umaandar ang Judicial Process sa Pilipinas.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang desisyon na ito ng korte ay isa sa pinaka mabilis na pagdinig sa isang heinous Crime case na kadalasang inaabot ng taon sa pagdinig.

Ito aniya ay taliwas sa pinalalabas ng mga kalaban ng administrasyon na hindu gumanana ang justisya sa bansa.


Patunay din aniya ito na mali ang ICC sa pagsasabi na walang kakayahan ang justisya sa bansa na panahutin ang mga kriminal.

Facebook Comments