Manila, philppines – Ipinahayag ng pamunuan ng Transport Network Company na Grab Philippines na sa sandaling mapatunayan ng LTFRB na nagmalabis ang Grab sa pamasahe, nakahanda silang tumalima.
Pero hanggang sa ngayon, ayon sa legal counsel ng Grab na si Atty. Miguel Rivera, wala pa rin desisyon ang LTFRB hinggil dito at wala pang kautusan na pinahihinto ang paniningil ng 2 pesos kada-minuto.
Nagpaliwanag kanina sa publiko ang Grab Philippines hingil sa umano’y biglaang pagtaas ng pamasahe sa mga tumatangkilik ng Grab.
Ayon pa kay Rivera, hindi umano sila nag-over charge sa kanilang pamasahe.
Bagkus giniit ng Grab na legal umano ang 2 pesos per minute travel charge na kanilang pinataw, dahil may dokumento umano sila mula sa DOTC na nagsasabi na may kalayaan silang magpatanaw ng sarili nilang pamasahe.
Nilinaw din nito na ang 80 percent sa dalawang piso na kada-minuto na sinisingil nila ay napupunta sa 80 percent at 20 lamang umano ang napupunta sa Grab.