Patung-patong na kaso, isinampa sa Ombudsman laban kay Agriculture Sec. William Dar

Patung-patong na reklamo ang isinampa sa Ombudsman ng isang dating opisyal ng Department of Agriculture (DA) laban sa kasalukuyang kalihim na si William Dar.

Kabilang sa mga kaso ay paglabag sa Anti-Graft Law o Republic Act No. 6713, Executive Order No. 262 o ang 1987 Administrative Code, Presidential Decree No. 807 o ang Civil Service Decree of the Philippines, Nepotism at Grave Abuse of Authority.

Ang naghain ng reklamo ay ang nagbitiw na Deputy Executive Director ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries at appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte na si dating Deputy Director John Pagaduan.


Sa dalawampu’t anim (26) na pahinang complaint affidavit, sinabi ni Pagaduan na ang pagtanggal sa kanya sa puwesto ay nagresulta para ilagay naman siya ni Sec. Dar sa ibang puwesto na wala namang specific function na maituturing umanong constructive dismissal.

Inakusahan din ni Pagaduan ng Grave Abuse of Authority at nepotismo ang kalihim matapos umano nitong italaga ang kanyang manugang na si Alex Arizabal bilang General Manager ng Human Settlement Development Corp., isang ahensya na nasa ilalim ng D.A.

Inaantay pa ni Sec. Dar na matanggap ang kopya ng reklamo bago maglabas ng komento tungkol dito.

Facebook Comments