Patutsada ni Senator Trillanes kay Secretary Harry Roque, tinawanan lang nito

Manila, Philippines – Ayaw nang patulan ni Incoming Presidential Spokesman Secretary Harry Roque si Senador Antonio Trillanes IV.

Matatandaan kasi na sinabi ni Trillanes na nakasama lang ni Roque si Pangulong Rodrigo Duterte ay parang nasapian na ito ng masamang espiritu.

Sa briefing ni Roque sa Malacañang ay sinabi nito na in-line lang o natataon lang sa araw ng mga kaluluwa ang mga naging pahayag ni Senador Trillanes sa kanyang pagtanggap ng posisyon bilang tagapagsalita ng Pangulo.


Hindi na rin nagbigay ng karagdagang pahayag si Roque sa nasabing issue at tinawanan nalang nito ang pahayag ni Trillanes.

Kaugnay niya ay sinabi ni Roque na hinihintay pa niya ang official appointment papers niya mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments