PATUTUNAYAN | Stephen Curry, inimbitahan ng NASA

Nakahanda ang National Aeronautics and Space Administration o NASA na patunayan kay two-time league MVP at three-time NBA Champion Stephen Curry na nakarating sa buwan ang mga astronaut.

Sa katunayan, inimbita ng American Space program ang star player ng defending champion Golden State Warriors na bumisita sa NASA sa susunod na maglalaro ang koponon nito kontra sa Houston Rockets.

Plano ng NASA na bigyan ng tour si Curry sa Lunar Lab nito sa Johnson Space Center sa Houston para ipakita ang mga ebidensiya na 12 American astronaut ang nakarating sa buwan mula 1969 hanggang 1972.


Umani kasi ng maraming reaksyon mula sa NASA at mga retiradong astronaut si Curry matapos nitong sabihing nagdududa siya kung talagang nakarating nga sa buwan ang mga astronaut.

Sinabi ito ni Curry sa isang podcast kasama sina Vince Carter, Kent Bazemore at team mate nitong si Andre Iguodala.

Hindi pa tiyak kung tinanggap ni Curry ang imbitasyon ng NASA.

Facebook Comments