PAUBOS NA? | Pagbebenta ng bigas ng National Food Authority sa ilang bahagi ng bansa, posibleng ihinto

Manila, Philippines – Posibleng ihinto na ng National Food Authority ang pagbebenta ng NFA rice sa accredited retailers nito sa Central Luzon, Western Mindanao at Western Visayas.

Ayon kay Rocky Valdez, marketing operation director ng NFA, limitado sa 1.9 million sako ng bigas na lang ang kanilang nasa inventory na katumbas na tatlong araw na supply.

Paliwanag ni Valdez, kailangan ring magtabi ng 700,000 sako ng bigas ng Department of Social Welfare and Development para sa mga masasalanta ng kalamidad.


Dahil dito, asahan na ang pagtaas ng presyo ng commercial rice bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Gayunman, umapela ang NFA sa mga commercial rice dealer na huwag masyadong taasan ang presyo ng kanilang produkto.

Facebook Comments