Paul George ng Clippers, nakapagtala ng season-high points kontra Cavaliers

Tinambakan ng Los Angeles Clippers ang Cleveland Cavaliers sa score na 121-99.

Nanguna para sa Clippers si Paul George na nakagawa ng season-high 36 points at Kawhi Leonard na may 24 points.

Bumawi ang Clippers matapos na makalasap ng pagkatalo sa kamay ng Brooklyn Nets.


Sa ngayon, ang Clippers ang tanging NBA team na hindi pa natalo ng dalawang magkasunod na laro.

Sa panig naman ng Cavs, nanguna si Collin Sexton na may 27 habang si Darius Garland ay nagtapos sa 23.

Facebook Comments