Pauleen Luna, proud na ibinahagi ang fitness progress matapos mabawasan ng 20 pounds

Photo Courtesy: pauleenlunasotto Instagram

Proud na ibinahagi ng aktres na si Pauleen Luna ang resulta ng kaniyang fitness progress matapos siyang mabawasan ng 20 pounds.

Sa Instagram post ni Pauleen, makikita ang isang unfiltered mirror selfie suot ang isang itim na workout outfit.

May caption ito na “No filter. Just love and care for my body.


Slowly reaching my goal weight. Slowly but surely and most importantly, happily,” at mayroon pang #20lbsdown.

Ilang celebrity naman ang bumati kay Pauleen tulad nina; Mariel Padilla, Ryzza Mae Dizon, Ruby Rodriguez, Camille Prats, Nikki Gil at iba pa.

Matatandaang una nang nahirapan si Pauleen na magbawas ng timbang matapos makipaglaban sa Polycystic Ovary Syndrome (PCOS).

Facebook Comments