Manila, Philippines – Hindi na raw dapat pang ulit ulitin ng Social Weather Station ang kanilang survey patungkol sa naging laban ng Philippine National Police (PNP) kontra iligal na droga.
Ito ang reaksyon ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, matapos lumabas ang panibagong survey ng SWS na 37 porsyento ng mga Pilipino ay hindi naniniwala sa katwiran ng mga pulis na nanlaban ang mga napatay na drug suspects.
Kiniwestyon pa ni Dela Rosa ang motibo ng mga gumagawa ng survey lalot hindi na ang PNP ang nangunguna sa anti-illegal drugs operations.
Nagpasalamat naman si PNP Chief sa tiwalang ipinagkakaloob sa PNP ng mga taga-Quezon City ito ay matapos ang ipinasang resolution ng Quezon City Council na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabing dapat nang ibalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs.
Sinabi ni Dela Rosa, ang Pangulo pa rin ang magdedesisyon kaugnay dito.