Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang unang batch ng listahan ng mga Public Utility Driver na makakatanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration program ng DSWD.
Ayon sa LTFRB ang unang listahan ay para sa 4,175 libong driver sa Metro Manila.
Upang matiyak na kasama sa listahan ang pangalan ng benepisyaryo maaari nilang tingnan sa website ng LTFRB na http://ltfrb.gov.ph
Ngayong araw maaari nang makuha ng mga driver ang kanilang cash assistance mula sa pamahalaan.
Dalhin lamang ang kanilang mga requirements sa pinakamalapit na sangay ng Landbank of the Philippines sa kanilang lugar para matanggap ang ayuda.
Ang iba naman ay pinayuhan ng LTFRB na hintayin lamang ang mga susunod na anunsiyo para sa karagdagang listahan ng mga drayber sa iba pang rehiyon.
Ang mga PUV driver ay kasama sa mabibigyan ng ayuda dahil hindi makabiyahe dahil sa Enhanced Community Quarantine dulot ng Coronavirus Disease o COVID-19.