Paunang listahan ng mga PUV drivers na makatatanggap ng tulong pinansiyal , inilabas na ng LTFRB

2601

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  ang unang batch ng listahan ng mga Public Utility Driver na makakatanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration program ng DSWD.

Ayon sa LTFRB ang unang listahan ay para sa 4,175 libong driver sa Metro Manila.


Upang matiyak na kasama sa listahan ang pangalan ng benepisyaryo maaari nilang tingnan sa  website ng LTFRB na  http://ltfrb.gov.ph

Ngayong araw maaari nang makuha ng mga driver ang kanilang cash assistance mula sa pamahalaan.

Dalhin lamang ang kanilang mga requirements sa pinakamalapit na sangay ng   Landbank of the Philippines sa kanilang lugar para matanggap ang ayuda.

Ang iba naman ay pinayuhan ng LTFRB na hintayin lamang  ang mga susunod na anunsiyo para sa karagdagang listahan ng mga drayber sa iba pang rehiyon.

Ang  mga PUV driver ay kasama sa mabibigyan ng ayuda dahil  hindi makabiyahe dahil sa Enhanced Community Quarantine dulot ng Coronavirus Disease o COVID-19.




Facebook Comments