Paunang P1-B sa mga nasalanta ng bagyo, inilabas na ng DBM

39

Inilabas na ng Department of Budget & Management (DBM) ang inisyal na P1 billion na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Ayon sa DBM, saklaw ng inilabas na pondo ang mga apektadong LGU sa Regions 4-A, 6, 7,8,10, at Caraga.

Ito ang mga rehiyon na una nang idineklara ni Pangulong Duterte na nasa ilalim ng State of Calamity.


Galing ang pondo sa contingent fund at ibababa ng Bureau of Treasury sa mga apektadong LGU sa pamamagitan ng kanilang authorized government servicing banks.

Facebook Comments