Manila, Philippines – Nakahanap na ng mapagkukunan ng pondo ang House Committee on Appropriations para sa alokasyon sa Free College Education Act.
Nagpulong ang komite na pinamumunuan ni Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles kasama ang Department of Budget and Management at Commission on Higher Education.
Makakalikom na ng 16 na bilyong pondo para sa Universal Tertiary Education Act.
Ang pondong ito ay manggagaling sa consolidated scholarship funds mula sa mga SUCs sa ilalim ng CHED, at scholarship programs ng Department of Health, Department of Agriculture, Department of Science & Technology, Department of Environment and Natural Resources at TESDA.
Nasa 30 Billion ang estimate na pondo na kakailanganin para sa libreng edukasyon sa kolehiyo.
Ang kulang na 14 Billion na pondo ay maaaring hugutin sa mga underspending at underperforming na government agencies.
Tiniyak ni Nograles na matatapos ang Implementing Rules and Regulations ng batas sa loob ng 15 araw at dito rin malalaman kung ilang mga estudyante sa kolehiyo ang makikinabang sa libreng edukasyon at kung sosobra pa sa 30B ang kakailanganing pondo.