Pautang para sa mga hog raisers na tinamaan ng ASF, dinagdagan pa ng DA

Inihayag ng Department of Agriculture na umabot na sa P800-million ang pondo na kanilang inilaan para sa pautang sa mga hog raisers na tinamaan ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, karagdagan pang P300-million na pondo ang idinagdag ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para dito.

Paliwanag ng kalihim makikinabang sa pautang ang mga backyard at semi-commercial raisers na nasa “green zones” o mga lugar na wala ng ASF.


Partikular na rito ang mga lugar sa MIMAROPA Region, Western Visayas, Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Tiwala ang kalihim na malaki ang maitutulong nito para sa muling pagbuhay ng hog industry sa bansa.

Matatandaan na noong nakaraang taon, inisyal na naglaan ng P500-million ang DA-ACPC sa mga backyard raisers at Micro and Small Enterprises (SM) sa ilallim ng ANYO program nito.

Facebook Comments