Binuksan na muli ng gobyerno ang kanilang pautang para sa mga mayroong maliliit na negosyo sa bansa.
Ayon kay Small Business (SB) Corporation Spokesperson Frank Gonzaga, pansamantalang natigil noon ang pagtanggap nila ng mga aplikante dahil sa dami ng mga nag-apply.
Batay sa SB Corporation, maaaring makahiram ang micro-businesses ng hanggang P200,000 habang hanggang P500,000 ang small businesses.
Tatlo hanggang 12 araw ang pag-proseso ng pautang kung kumpleto ang requirements, kabilang na ang isang minutong video presentation ng aplikante na nagpapaliwanag sa kaniyang negosyo.
Maaaring makita ang kumpletong listahan ng requirements ng mga nais umutang sa SB Corporation sa website na www.sbgfc.org.ph.
Nabatid na ang SB Corpration ay attached agency ng Department of Trade and industry (DTI).