Muling hinikayat ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang mga kabataan at agriculture entrepreneurs na aktibong makibahagi sa agriculture at fisheries businesses.
Ayon kay Secretary Dar, maaari nang makapag-avail ng financial at technical assistance sa ilalim ng “Kapital Access for Young Agripreneurs” o KAYA Loan program.
Ang programa sa ilalim ng Agricultural Credit and Policy Council ay magkakaloob ng pondo para sa capital requirements ng nagsisimula pa lang ng negosyo o may existing farm o fishery businesses na.
Nagpapautang ito ng hanggang P500,000 ng walang kolateral, walang interest at babayaran sa loob ng limang taon.
Kailangan lamang na nasa 18 hanggang 30 ang edad ng eligible borrowers at nagtapos ng formal o non-formal schooling.
Bukod sa KAYA Loan program, isinusulong din ng DA ang Mentoring and Attracting the Youth in Agribusiness o (MAYA), Business Incubation in Agriculture (BIAG), Micro and Small Enterprises (MSEs) at Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs).