PAUUTANGIN | Coconut farmers, aayudahan ng DA para kumita ng maayos sa kanilang produkto

Manila, Philippines – Pauutangin ng P200 Milyong pisong pondo ng Agricultural Credit Policy Council ng Department of Agriculture ang mga coconut farmers sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ay sa ilalim ng Production Loan Easy Access na may 6% interest lamang kada taon.

Gagamitin ito bilang working capital ng coconut farmers groups para ipambili sa mga produktong copra sa kanilang mga miyembro na ibebenta naman ng direkta sa mga oil mills.


Ngayong huwebes, makipagkita na si Piñol sa mga mayari ng Coconut Oil Mills at hihilingin sa kanila na direkta nang makipag deal sa mga coco farmers na popondohan ng Agricultural Credit Policy Council ng DA.

Nais ng DA na matanggal na ang tradisyunal na “compradors”na nagsisilbing link o namamagitan sa mga di organisadong coco farmers at copra traders o malalaking oil mills na kumikita ng malaki kesa sa mga farmers.

Inatasan din ng kalihim ang Phil. Coconut Authority na suportahan ang farmers group sa pamamagitan ng mga equipment tulad ng hauling trucks at mga modern drying facilities.

Umaasa si Piñol na mabigyan na ng solusyon ang napakababang kita ng mga coco farmers dahil sa pagbagsak ng presyo ng copra sa world market.

Facebook Comments