Opisyal nang inilunsad ng ARMM ang Program Against Violent Extremism (PAVE) kamakalawa, April 17, sa headquarters ng 4th Special Forces ng Philippine Army sa Isabela, Basilan.
Ang PAVE ay programa ng regional government para sa mga dating Abu Sayyaf members na nagbalik-loob na sa gobyerno.
Ang beneficiaries ng programa ay sumasailalim sa psychosocial, economic, educational, at spiritual interventions upang makapamuhay ng normal at maging produktibong mga miyembro ng kanilang komunidad.
Muling inihayag ni ARMM Regional Governor Mujiv Hataman ang kahalagahan ng pagsakripisyo sa naturang pagsisikap, “Sa programang ito mahalaga and sakripisyo ng lahat. Magsakripisyo tayo alang-alang sa katarungan at permanenteng kapayapaan.” dagdag pa ng gobernador.
Ang PAVE ay hindi lamang para sa mga susukong ASG members bagkus ay para rin sa mga nagnanais na sumukong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ang programa ay kinikilala ng National Peace and Order Council (NPOC), at opisyal na magiging bahagi ng reintegration program ng gobyerno na tinaguriang CLIP or Comprehensive Local Integration Program – programa na naglalayong makamit ang permanenteng kapayapaan.
PAVE, inilunsad ng ARMM government!
Facebook Comments