Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senator President Pro Tempore Ralph Recto sa Department of Health na gamitin ang P634 million pesos na advertising budget nito para ituwid ang maling impormasyon ukol sa pagbabakuna.
Ang suhestyon ni Recto ay kasunod ng namumuong pangamba ngayon ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Dulot ito ng kontrobersiya sa Anti-Dengue Vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay Recto, ngayong taon ay nasa P7.4 billion pesos na halaga ng mga bakuna ang binili ng gobyerno para sa milyun-milyong mga sangol, bata, kababaihan at senior citizen.
Sabi ni Recto, sa pamamagtan ng information drive ay maipapaliwanag ng DOH na hindi masama ang pagbabakuna at ang mga biniling vaccine ng pamahalaan ay pasado sa high standards at makabubuti sa kalusugan.