Pawikan, Natagpuan sa madamong bahagi ng Palaui Island sa Cagayan

22

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang isang sea turtle bandang 9:30 kaninang umaga sa madamong bahagi ng Punta Verde, Palaui Island na sakop ng Barangay San Vicente, Sta. Ana, Cagayan.

Ayon kay PSSg. Joy Ramil, Assistant Operation PNCO, Sta. Ana Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang residente sa lugar na may isang pawikan (sea turtle) ang stranded o di makagalaw patungo sa karagatan.


Bago ito, agad na humingi ng koordinasyon ang pulisya sa coastguard at maritime group para suriin ang kalagayan ng pawikan.

Tinatayang nasa 88 centimeters ang haba ng pawikan at nasa 35 centimeters ang lapad nito na agad din na pinakawalan ng mga otordidad sa karagatan.

Paalala naman ng pulisya na ipagbigay alam agad sa kinauukulan sakaling makatagpo ng parehong pawikan o ibang sea animals.



Facebook Comments