PAWNSHOP SA POZORRUBIO, NILOOBAN NG MGA ARMADONG LALAKI

Pinasok ng mga armadong kalalakihan ang Isang pawnshop sa Brgy. Poblacion. Pozorrubio,kahapon.
Sa kuhang video ng netizen, maririnig ang sunod sunod na putok ng Baril sa lugar ng krimen. Sa isang CCTV footage naman, makikita ang pagtakbo papalayo sa pawnshop ng di umanoy dalawang suspek na lalaki.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office agad na nagsagawa ng dragnet operation ang Pozorrubio Municipal Police Station (MPS) upang mahuli ang mga suspek. Nagpadala rin ng flash alarm sa mga kalapit na istasyon ng pulisya at nagtayo ng mga checkpoint sa ilalim ng Oplan Sita upang mahuli ang mga salarin.
Hinimok ng PNP Pangasinan ang publiko na makipagtulungan at agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung may impormasyon ukol sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments