PAY OUT NG SOCIAL PENSION NG MGA KWALIPIKADONG SENIOR CITIZENS SA STA. BARBARA, NAGING MATAGUMPAY; HIGIT ISANG LIBO, INAASAHANG MAKAKATANGGAP

STA. BARBARA, PANGASINAN – Naging matagumpay ang isinagawang pamamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office ng social pension ng mga natukoy na benepisyaryong senior citizen sa Sta. Barbara.

Ayon kay Municipal Health Officer Wilma Coquia na ang pagiging matagumpay ng kanilang isinagawang pay out ng Social Pension Program sa mga senior citizen ay dahil sa naging pagsunod at kooperasyon ng mga benepisyaryo rito.

Maayos ding naobserbahan ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at ng social distancing.


Ang unang batch na mga benepisyaryong senior citizen ay nakatanggap ng tig limang daang piso mula na din sa naging inisyatibo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa unang quarter ng taon.

Umaasa naman ang Local Government ng Sta. Barbara, na mabibigyan ang aabot 1,217 senior citizens sa bayan sa mga susunod na gagawing pay out.

Facebook Comments