Pay rules, ipinaalala sa mga employer ngayong Semana Santa

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na mahigpit na sundin ang pay rules ng mga manggagawang papasok pa rin ngayong Holy Week.

Ang Huwebes Santo (April 18) at Biyernes Santo (April 19) ay regular holiday, habang special non-working holiday ang Sabado de Gloria (April 20).

Batay sa itinakdang pay rules tuwing regular holiday


  • Dagdag na 200% ng sahod ang ibabayad sa empleyado kapag pumasok ito sa unang walong oras ng trabaho
  • Kapag lumagpas sa walong oras o nag-overtime, may dagdag na 30% hourly rate
  • 30% ang idadagdag sa double pay na matatanggap ng empleyado kapag pumasok ito sa kanyang rest day na regular holiday
  • Makatatanggap naman ng 100% ng sahod ang mga hindi papasok

Ang pay rules naman tuwing special non-working holiday:

  • Iiral ang “no work, no pay” maliban na lamang kung mayroong company policy o collective bargaining agreement
  • May dagdag na 30% sa sahod ng empleyado kapag pumasok sa unang walong oras ng trabaho
  • Kapag lumagpas sa walong oras o nag-overtime, mabibigyan ang empleyado ng dagdag na 30% hourly rate.
  • May 50% na dagdag sa empleyado kung pumasok ito sa special non-working holiday na tumama pa bilang kanyang rest day.
Facebook Comments